Babay Na
* Qualifies for an entry in an on-the-spot farewell letter writing competition (8/17/06). hahaha
Written for one of my best buds in the office. You can stop smirking now.
Paano nga ba magpaalam sa taong ayaw mo paalisin?
Sa dalas nating magbigay ng bati ng pakikipaghiwalay, di natin napapansin na may iba't-ibang klase ang pamamaalam.
1. Goodbye- para sa isang madamdaming pakikipag-break
2. Bye Bye- para sa nagliligawan, may kasama pang "Ibaba mo na.." "Ayoko nga, ikaw muna.."
3. Byerz- ang text ng pa-cute na jologz
4. Ba-hay! - ang bye na may bwelo
5. Boboy- ang pigil-luhang babay
6. Bubuy- ang pamamaalam na may kasamang luha at pamimiyak ng boses
7. Paalam- ang pinakamataas na antas. Mi ultimo adios. Final na final.
Sa dami ng pwedeng maging sagot sa katanungan sa itaas, wala akong gustong piliin kasi hindi ako naniniwalang kailangan magpaalam sa taong pwede mo naman makita muli. Maaaring sa susunod na linggo, may magkakamaling pipindot ng 186 na local pero wala nang sasagot sa kanya ng "Manunulat!" Mababawasan na ng tagasalong trabaho sa editorial. Hindi na sasama sa korus ng mga nagsisitunugang speakersang mga kantang alternative at rakenrol na madalas mong pinatutugtog.
Hindi ko alam kung gaano katagal bago kami masanay na wala ka na talaga sa opisina. Basta ang alam ko, sensitibo ngayon ang ilong ni Kay Abad dahil nasasagap na nya ang amoy ng vacancy galing sa upuan mo. (kay, please explain.. hahaha) Maaaring di ka na namin makita sa susunod na linggo pero hindi ka namin malilimutan. Salamat sa lahat Emir. Mami-miss ka namin. =)