fri Recorded Soliloquies: January 2006

Recorded Soliloquies

Thursday, January 12, 2006

SA UULITIN

**Author's Note: Below is an attempt to resurrect my dormant writing ability.. Posted it as soon as I finished it. Any similarities to me which you can read below does not necessarily mean that the story below is true. just sharing a figment of my imagination.. ^_^ photo courtesy of Sam Brown, explodingdog.com


Ginulat mo ako sa panahong abalang-abala ako. “Break na tayo,” ang sabi mo sa’kin.
“Bakit? Pagod ka na ba?” tanong ko.
“Oo, pasensya na,” sagot mo.

Napabuntong-hininga ako.
“Sige na nga, magkape na tayo.”

Tumayo ako, sabay abot sa mug na nakapatong sa desk ko.
“Adik ka talaga,” sumbat mo sa’kin.
Natawa ako. “Saan, sa trabaho o sa kape?”
At tulad ng ilan pang mga kahapon mula nang makilala kita ang sagot mo ay isang nakakalokong ngiti. Inabutan mo ako ng isang 3-in-1 sachet ng kape. “O, libre ko sa’yo. Kanina pa kita tinitingnan mula sa puwesto ko, mukhang nalulunod ka na sa ginagawa mo.”
“Namamaga na nga yata mata ko kakabasa mula sa screen ng PC ko.” Pinikit ko nang sandali ang mga mata ko. “Tingnan mo, wala na ko sa desk ko pero may nakikita pa rin akong mga letra.”
“Kaya nga nilapitan na kita,” sabi mo habang papunta na tayo sa coffee room.
“Teka, wag kang gagalaw, may letter A sa ilong mo.”
“Loko. Kumain ka nga ng almusal para hindi ka nagha-hallucinate!”
“Nasobrahan nga yata ako ng kain..”
“Huu..pero sigurado ako, gutom ka na naman ngayon.”
“Hehehe. Ano pa nga ba?”
“Akin na nga ‘yang mug mo, lagyan ko ng mainit na tubig,” ang sabi mo sa’kin. Inabot ko ang mug ko. “Thanks. Dun tayo sa dati.”
“Mamayang merienda ka na lang kumain ulit.”
Pumikit ako nang sandali para magpahinga. Pero kahit wala akong nakikita, alam ko kung ano ang ginagawa mo. Alam kong una mo munang lalagyan ng mainit na tubig ang mug ko bago ang sa iyo. At bago mo ibalanse ang paghawak sa dalawang mug ay iche-check mo muna ang mga bulsa mo kung dala mo ang de-sachet mong kape, creamer at asukal. Sandali kang matataranta at biglaang maaalala na inabot mo na pala sa akin ang mga ‘yon kanina. Napangiti ako.
“O anong nakakatawa?” tanong mo, pagdating sa mesa. Napamulat ako.
“Wala.”
“Wala?”
“Hm. Walang katuturan. Tulad ng kaya ko na hulaan kung anong gagawin mo sa tuwing magb-break tayo.”
“Talaga?”
“Una mong bubuksan ang dalawang sachet ng asukal. Tapos kalahating sachet lang ng kape ang ilalagay mo at ibubuhos mo ang lahat ng laman ng creamer.”
“Ginagawa ko ba yun?” tanong mo, pero nagsasalita pa lang ako kanina e sinimulan mo nang buksan ang sachet ng asukal. “Hehehe. Ganon na ba tayo katagal magkasamang mag-coffeebreak at napansin mo pa ang bagay na ‘yan?”
“Bored lang siguro ‘ko,” sagot ko.
“Balita ko, may nanliligaw sa’yo ah,” bigla mong naalala. “Tsk tsk tsk. Grabe, biruin mo, araw-araw tayong nagkikita pero sa iba ko pa nalaman ‘yan.”
“Manliligaw? Praning ba sila? E kahit sino yatang lumapit sa mesa ko para humingi ng paper clip, ginagawan nila ng issue.”
“Bakit, tama naman sila kay Mr. AEIOU.” Pinipigilan mong matawa.
Bago ko pa matanong kung sino ‘yung sinasabi mo, dinugtungan mo na kaagad ng, “Ah..Aalis ka na ba? E sinong kasabay mo? I-ihahatid na kita. Okay lang ba sa’yo? Uwi na tayo nang sabay.”
“Ngek. Si Dave ba yan? Nag-offer lang yun once. Saka mahiyain talaga yun.”
“Iba ang tawag dun,”
sagot mo. “Torpe.”
“Naku, nahawa ka na sa mga tao dito, chismoso ka na rin! Saka no, ayoko sa lahat yung torpe.”
“Ano bang gusto mo?” tanong mo sa’kin.
Biglang dumating ang mga tao sa department natin. Nang mapatingin sila sa direksyon natin e iisa ang kinang sa mga mata nila. Nagsikuhan pa. Mabuti pa sila alam nila ang sagot sa tanong mo, na dapat siguro e nagsimula sa salitang sino.
Nilapit ko ang upuan ko sa tabi mo para ma-warningan ka. “Kumaway ka, andiyan na sila. Congratulations, sikat na naman tayo.”
Tumawa ka, sabay taas ng kanang kamay mo bilang pagbati sa kanila. Papalapit na sila nang papalapit. At pagkaway mo ay dumiretso ang kamay mo sa balikat ko. Lumapat ang braso mo sa likod ko. Napaigtad akong bigla. Siguro dumilat nang malaki ang mga mata ko at nahalata mong nagulat ako kaya kinindatan mo ‘ko. Kung natitimpla lang ang ngiti, masasabi kong sumobra na ang asukal na nalagay mo.
Kasing-init ng braso mo ang hawak kong mug. Shet. Sa pagkakataong ‘to, hindi lang ang utak ng kaopisina natin ang pinaglalaruan mo. Mabuti na lang hindi ako madaling maloko.
Kailangan, patas ang laban.
‘Saktong pagdating nila sa mesa natin, sumiksik ako papalapit sa’yo at sinandal ang ulo ko sa balikat mo.
“WOW! Kayo na?” tanong ng isa sa kanila.
“Huli ka na sa balita. First monthsary namin ngayon,” ang sabi mo, na sinagot ko naman ng isang sipa sa’yo sa ilalim ng mesa.
“Sabi ko na nga ba. Kaya pala laging bugnutin ‘yang boyprend mo tuwing dumadaan sa desk mo si Dave," sabad naman ng isa, at ako ang kinakausap.
Tumingin ako sa direksyon mo. “Aba, seloso ka pala!” Abot tenga ang ngiti ko.
“Dati ka pa nyan gusto ligawan, ewan ko ba kung ba’t natagalan—sasagutin mo rin naman pala, nagpapahirapan pa kayong dalawa.” Nagtawanan sila.
“Torpe kasi ‘to,” sabi mo. Sino, ikaw o ako? Tatawa na ba dapat ako?
“Naalala mo ba nung sabi mo sa’kin---” ang sinimulang sabihin ng isa pa sa kanila sa’yo, na pinutol mo naman ng “Sige na, kelangan na namin ng quality time.”
“Ay oo nga pala. Sorry! Mauna na kami.”
“Yihee..”
tukso ng isa.
“O pwede na kayo maghalikan pagtalikod namin. Hehehe!”
“Basta ba hindi kayo sisilip,” biro ko, habang pinagmamasdan ko ang paglayo nila. “Gago ka talaga,” Nakangiti ako pagharap ko sa’yo. “Pa’no na ko maliligawan nito, e may boyfriend na pala ‘ko?”
“’Kala mo ikaw lang may problema? Pano na yung popormahan ko?”
“May crush ka?”
“Ewan.”
“Kilala ko?”
“Baka.”
“Hm. Kaopisina? Kapitbahay? Kaibigan ng pinsan ng kakilala ng bestfriend mo?” Sasabay na naman ang utak ko mamaya sa pag-overtime ko. Ngayon pa lang, sinisimulan ko nang isa-isahin ang mga pwede mong magustuhan.
“Basta.”
“Sabihin mo na kung sino..”
“Ayoko.”
“Sige na…”
“Tatawanan mo ‘ko.”
“Konting pilit pa ba?”
Nagtaas ka lang ng kilay mo.
“OH.MY.GOD. Lalake?”
“Baliw! Yan ang nakukuha mo kakapanood mo ng sine.”
“Sino nga? Sige, magpapaka-seryoso ako.” Pero ‘di ko pa rin napigilan ang paglabas ng isang malakas na halakhak.
“Tingnan mo. Hindi pa nga ko umaamin, tinatawanan mo na ‘ko. Paano pa kung sabihin kong--”
Biglang tumahimik. Sige lang ang ihip ko sa kape kong hindi na yata lumalamig. At pinagpatuloy mo ang sinasabi mo.
“Mahal na yata kita.”
Taena. ‘Di ko alam kung nakatulog na ako at kasalukuyang nananaginip, o nangti-trip ka na naman.
Naubos ang supply ko ng hangin na pang-ihip sa kape ko, pero naiwan pa ring nakanguso ang bibig ko. Iba’t-ibang salita ang pumasok sa isip ko. Paranormal. Paranoia. Parachute. Para ho. Kailangan ko nang bumaba mula sa jeep na paikut-ikot lang ang biyahe.

Unti-unti kong inangat ang mga mata ko. Hindi ka naman nakatingin sa akin. Sa kape mo lang.
“O. Kausap mo kape mo?” Swabeng-swabe.
Sandaling kumunot ang ‘yong noo pero mabilis kang nakasagot ng, “Hindi. Ikaw.” “Ha? Nagbibiro ka ba?” Handa na akong tumawa kung sakaling joke lang ‘yun, kahit pa i-peke ko.
“Praktis lang! Hindi pa totoo ‘yun,” ang sabi mong nakatawa.
“Ah.” Napainom ako bigla sa kape ko at muntik ko nang maluwa ang hinigop ko.
“O, okay ka lang?”
“Ayos. Magaspang na naman ang dila ko mamaya.”
“’Wag mo muna kasi pilitin kung hindi pa pwede.” At nakita kong may halong lungkot ang mga mata mo. Para bang iba ang iniisip mo.
“Ano bang problema?” tanong ko nang marahan.
“Wala. Hindi ko alam. Basta. Komplikado.”
“Pinoproblema mo yung crush mo? Ligawan mo na kasi. Ayaw mo lang yata ma-basted.”
“Hindi naman. Ang isyu doon e laging may kapalit ang pagtatapat. At mas malaki ang hinihinging kapalit habang mas minamahal mo ‘yung tao.”
Naliwanagan ako. Kaibigan mo.
“Hindi ba nya maiintindihan?”
“Oo, siguro. Mabait naman siya.”
“Mabait? Pangit siguro siya,” biro ko.
“Oo, kamukha mo.” Mabuti naman at nakatawa ka na ulit.
“Mukha mo!” Tinulak kita bilang protesta.
“Maganda yun. Ewan ko kung nagagandahan ang iba sa kanya pero gusto ko siya.”
“Maganda ba? Baka ako yan..”
“Oo na. Ikaw na.”
“Sige, detalye pa. Ayaw mo naman sabihin kung sino, i-describe mo na lang.”
“Payat. Makulit. Mahilig kumain.”
“Umiinom?”
“Astig! Masaya kasama. Mahilig makipagtalo. Madaling patawanin, mahilig magpatawa. Corny.”
Hindi lang yata nya crush. Mahal na yata niya.
“Game sa lahat ng bagay. Maingay pero tahimik. At maraming alam yun tungkol sa’kin, kahit kung paano ko gusto ang timpla ng kape ko.”
“Sus! Balak mo gawing housewife?”
“Hindi. Sabi ko lang, marami s’yang alam na maliliit na detalye tungkol sa akin na kahit ako, hindi ko alam.”
“O ano pa?”
“Masayahin. Optimist. Matigas ang ulo. Maingay.” Tumigil ka sandali. At nagpatuloy. “Baliw, may dimples at mahilig sa coffeebreak!”
“Teka, mukhang ako yan! Loko-loko ka talaga!”
“Sabi mo ikaw.”
“Hibang ka talaga!” Hindi na ako makahinga kakatawa.
“May nagsabi na ba sa’yong ang hirap mong ligawan?”
“Wala. At bakit mo naman nasabi ‘yan?”
“Ang hirap mo kumbinsihin.”
“Hindi ka naman talaga nanliligaw.”
“Hindi ka naman talaga nakakahalata.”
“Hindi ka naman seryoso.”
“Hindi ka naman naniniwala.”
“Hindi nga?”
“Hindi ba?”

At tinawanan ulit kita.Hindi ko na rin alam kung anong pinag-uusapan natin.Napansin ko na hindi ka na nakangiti. Nawalan ng timbang ang puso ko.
Ilang minuto na lang at kailangan na nating bumalik sa trabaho natin. Bukas na naman ang sunod na coffee break. Ang kailangan ko lang ay isang sachet ng 3-in-1, mug at mainit na tubig. Okay lang kahit hindi ako mahilig sa kape. Nakakasama naman kita.

“Matatapos na ang break,” ang gusto ko sanang sabihin, pero nang binuksan ko ang bibig ko, ibang mga salita ang lumabas.
“Mahal na yata kita.” SHET. Mali.
Painom ka na sa mug mo noon at muntik mo nang mabuhos sa’yong sarili ang natitirang laman na kape.
“Ako ba ang kausap mo?” tanong mo nang marahan. Mahina. Kaya napatingin ako sa’yo. Alanganin ang iyong ngiti.

Ngumiti ako. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa balikat mo para mas makalapit ako sa’yo. Naramdaman kong sandaling dumampi ang labi ko sa pisngi mo habang papalapit ako sa tenga mo para bumulong. “Hindi no,” sagot ko. “Kausap ko kape ko.” Tumawa tayong dalawa.

At sa utak ko ay may lumitaw na isang pulang jeep. Tumigil sa harapan ko, habang ang kundoktor ay sumisigaw ng “Wops! Isa pa, isa pa! Pakisiksik diyan sa kanan!”

Kasama na naman ako sa biyahe. Inubos ko ang laman ng mug ko at tumingin sa relos ko. Sinimulan ko nang bilangin ang oras bago tayo mag-coffee break ulit.





Tuesday, January 10, 2006

JOB SHOPPING


Going on an extended holiday has been fun but I really have to get employed ASAP. My dad just lost his job this January due to the major slack in the construction industry and although my parents aren't saying anything yet, I can catch the insinuations pointed at me everytime they talk about bills, bills and more bills. The bad news is that it's not easy to get hired. I have had to take a lot of exams, undergo a lot of interviews these past few weeks and I haven't had one offer yet.

It's funny how there are some sets of exams that are also being administered in other companies-- like the Flanagan Industrial Test, G-Z Temperament Exam, Logic Reasoning Test.. I have gotten used to these tests that sometimes, I don't even read the questions anymore. I just recall the answers that I gave the last time I accomplished the test & I'm done. I don't even know if I'm answering it all wrong every time! I should've perfected everything because the tests seem familiar but there's actually no way of knowing the right answer. There isn't even any reviewer for those kind of tests. The part I hate best is the essay portion. Some even give me two pages of questions to answer, others give me sentences to complete. Tell me, what would you answer if you have to complete a sentence like this one: The men over me ______. My first thought was "What the?!?!" How in the world am I supposed to answer that question? Is it a trick question? Are they testing me if I'm green-minded? I can't imagine what they want to find out about me by analyzing my answer which went: The men over me know that I can beat them at their own game. It really doesn't make any sense but I guess that 's what you can expect from a question that is equally senseless.. ^_^

Usual essay questions ask your weakness, strengths, greatest achievement (as if I have done anything significant all this time..), why should we hire you, long-term/short-term plan, situation when you worked under pressure & how you handled it, your significant leadership experience, what makes you different from all the other applicants, and the list goes on..all broad questions which require a lot of handiwork & imagination. I hate having to write when my future depends upon my answers.

My problem is that I'm probably too idealistic. I quit my job (aside from proddings by my father to resign) because I want to use the meager knowledge I have acquired during college. I want to plan, strategize, implement my plans & have a project I can call my own. I want a career path in marketing - brand management or events, doesn't matter as long as I get to use my creativity & resourcefulness. Well I know that things don't usually turn out the way you plan them to be-- you take up an engineering course but end up being a writer instead, study well and find yourself pregnant a year after graduation.. You don't actually use what you've learned in college. Work isn't really as glamorous as you thought it would be when you were seven years old. But I dream of having a fulfilling career. To work but have fun at the same time. To be exhausted but feel that you've accomplished something significant at the end of a day's work. I know what I want and right now I'm trying to pursue my dream. That leaves me with a lot of limitations. I don't want to work in banks, call centers, real estate companies, insurance firms, pharmaceutical companies as well as networking companies. Maarte. Picky. Choosy. I'm acting like a snob but there are just two industries that I want to be in-- manufacturing or advertising. I don't want to be miserable working for a company where I can't find enjoyment or satisfaction. Good luck talaga saken paghanap ng trabaho..hehehe

When you're unemployed, there is plenty of time to think and get disillusioned. I used to think I had a lot of worth in the market-- UP graduate, semi-skilled conversationalist and semi-intellectual. I was wrong. Or maybe I was right but I'm just not what the other companies are looking for. I don't know. Things get all messy-- I don't know if I'm just unlucky or just stupid enough not to pass the aptitude or personality tests. Already, I can hear the reader comforting and encouraging me, saying that I am worth a lot, just wait and see, a job is waiting for you somewhere.. Well, I'm tired of waiting. I can wait for love to come by unexpected but I need the job NOW. Patience may be a virtue but it can't be encashed to pay your bills.

I have already set my sights on one company and I'm not letting go of my dream.

I WILL get employed by February and I'm taking all my chances on this one big opportunity. CARPE DIEM!!